Halos 300 na mga dayuhan, naaresto ng BI sa Makati

Manila, Philippines – Arestado ng Bureau of Immigration ang 276 foreign nationals sa malawakang raid sa isang network technology company sa Ayala Avenue, Makati City.

Karamihan sa mga naarestong undocumented na dayuhan ay nagta trabaho sa online gaming business sa lungsod.

Sila ay pansamantalang nakakulong ngayon sa BI Detention Facility sa Taguig.


Hawak na ng Legal Division ng BI ang kaso ng naturang illegal aliens.

Nagbanta ang Bureau of Immigration na magpapatuloy ang kanilang crackdown sa mga dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Facebook Comments