Manila, Philippines – Tinanggal ng Facebook ang higit 200 pages ng Philippine based digital marketing company na Twinmark Media Enterprises.
Ito ay dahil sa paulit-ulit nitong paglabag sa mga polisiya ng social media giant.
Natuklasan kasi ng Facebook na bukod sa puno ng spam at misleading content ang mga page, binebenta rin nila ang access sa mga ito.
Gumagamit din sila ng fake accounts at idinadala ang mga users sa mga link na puno ng ads.
Sa kabuoan 220 Facebook pages, 70 Facebook accounts, 29 Instagram accounts ang grupo.
Aabot sa 43 million ang kanilang followers.
Sa ngayon. , naka-ban na ang Twinmark Media sa Facebook maging ang kanilang subsidiaries
Tiniyak ng Facebook na patuloy nilang hahanapin ang mga nanamantala sa kanilang platform.
Facebook Comments