Aabot sa 287 Chinese militia vessels ang namataan sa Kalayaan waters na kapwa nasa loob at labas ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon sa National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS), nadiskubre nila ito nang magsagawa ng pagpapatrolya noong Linggo, ika-9 ng Mayo.
Bukod dito, isang Chinese Coast Guard vessel din ang namataan sa Ayungin Shoal.
Paulit-ulit namang nakiusap ang mga opisyal ng pamahalaan na i-pull out na ng China ang kanilang mga barko sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Facebook Comments