Aabot na sa 300 Pilipino ang inilikas sa East Gippsland sa Victoria, Australia kasunod ng malawakang bushfires.
Ayon kay Aian Caringal, Consul General ng Embahada ng Pilipinas sa Canberra, nakikipag-coordinate na ang opisyal ng Pilipinas sa Local Australial Authorities para sa pagpapalikas sa mga Pinoy na nandoon.
Binigyan ng temporary housing at emergency relief ng local government doon ang mga apektadong Pilipino.
Sa huli nilang impormasyon nasa 24 na katao ang nasawi sa wildfire pero walang Pilipino ang nadamay.
Aabot na sa higit limang Milyong ektarya ng lupa ang nasunog at 1,500 bahay sa isang estado ang natupok ng apoy.
Sa datos ng Embahada, aabot sa 300,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Australia.
Facebook Comments