Halos 300 PNP personnel, nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa COVID-19

May panibagong 274 na Philippine National Police (PNP) personnel ang gumaling sa COVID-19 na naitatala ang PNP Health Service kaya umabot na ngayon sa 37,265 ang total recoveries sa hanay ng PNP.

Habang may nadagdag na 143 na mga nagpositibo sa COVID-19 sa PNP kaya mayroon nang 39,474 total COVID cases.

Kaugnay nito umabot na sa 117 ang nasasawing tauhan ng PNP dahil sa COVID-19 matapos na masawi ang isa na namang pulis.


Ito ay isang police commissioned officer, 45 anyos na nakatalaga sa MIMAROPA Region.

Batay sa medical records ng nasawi, nakaranas ng COVID-19 probable severe, hypertension stage 2 at metabolic encephalopathy pero ang kanyang ikinamatay ay acute respiratory failure due to pneumonia and pulmonary embolism.

Facebook Comments