Umabot sa 298 mga public officials kabilang na ang military at security officers ang ikinulong ng pamahalaan dahil sa korapsyon sa Saudi Arabia.
Kabilang dito ang walong defense ministry at 29 interior ministry officials sa eastern province ng nasabing bansa.
Ayon ulat, kakasuhan nila ang mga nasabing opisyal ng panunuhol, pagnanakaw at pang-aabuso sa kapangyarihan na may kaugnayan sa $101 million o mahigiit limang bilyong piso.
Nabatid na dahil sa siyam na opisyal na kinasuhan ang sinisisi kung bakit nagkaroon ng severe damage sa isang unibersidad na nagresulta sa pagkamatay ng ilang estudyante.
Facebook Comments