Halos 3,000 bagong COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw ng DOH

2,859 ang bagong gumaling ngayong araw sa COVID-19 sa bansa.

5,795 naman ang bagong kaso habang 135 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,418,337 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso naman ay bahagyang tumaas sa 51,567.

Ang kabuang gumaling naman ay 1,341,973 habang ang total deaths ay 24,797.

Facebook Comments