Halos 3,000 pulis, handang magsilbing Board of Election Inspectors – DILG 

 

 

Aabot sa higit 2,838 police officers ang magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI) ngayong halalan.

 

Ayon kay Deparment of Interior And Local Government (DILG) Eduardo Año, handa ang mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) sakaling walang guro ang magsilbing election inspectors sa ilang presinto.

 

Aniya, ang mga pulis ay dumaan sa training ng Comelec para sa contingency at naka-stand by sakaling kailangan ang kanilang serbisyo.


 

Mula sa nasabing bilang, 1,032 na pulis ang itatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa inaasahang election-related violence sa rehiyon.

 

Sa datos naman ng PNP, halos 150,000 pulis ang naka-election duty sa buong bansa ngayong araw.

 

Sa ilalim ng Election Service Reform Act, maaaring gamitin ng Comelec ang mga pulis bilang BEI kung kailangan ito para sa peace and order situation.

 

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments