Pumalo na sa halos 300,000 indibidwal ang naapektuhan ng mga ulan at bahang dulot ng Low Pressure Area ngayong Enero.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apektado ng masamang panahon ang nasa 69,308 na pamilya o 291,826 na indibidwal mula Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Mimaropa, Northern Mindanao, Davao at BARMM.
Kasabay nito, nilinaw ng NDRRMC na sampu ang naitalang nasawi at hindi labing-isa gaya ng unang naiulat.
Anila, inalis sa tala ang isang casualty mula Capiz dahil noong December 22 pa ito nasawi dahil sa localized thunderstorms.
Karamihan sa kanila ay nasawi dahil sa pagkalunod.
Facebook Comments