Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaking tulong sa bansa ang isinuplay na 295,000 metrikong toneladang bigas ng India sa bansa sa gitna ng hamon ng El Niño.
Sa courtesy call sa Malacañang, personal na nagpasalamat ang pangulo kay India Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar
Ayon kay Pangulong Marcos, napakahalaga ng ganitong tulong para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa, sa gitna ng nararanasang tagtuyot.
Umaasa rin itong magpapatuloy ang trade relations sa pagitan ng Pilipinas at ng India, hindi lamang sa agricultural products, kundi maging sa iba pang aspeto tulad ng imprastraktura at depensa.
Noong October 2023, inaprubahan ng India ang pag-export sa Pilipinas ng 295 libong metriko tonelada ng non-basmati white rice, na pinakamalaking alokasyon ng India para sa isang dayuhang bansa.