HALOS 300K NA PONDO, INILAAN PARA SA STREET LIGHTS

CAUAYAN CITY- Napailawan na ang madidilim na bahagi ng Brgy. Sinippil sa Lungsod ng Cauayan matapos makumpletong maikabit ang mga karagdagang street lights sa kanilang lugar.

Sa exclusive interview ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Michael Bite, tatlompu’t anim na piraso ng streetlights ang kanilang inilagay sa mga lansangan.

Aniya, nasa dalawang daan at pitompung libong piso ang inilaang badyet para sa pagbili ng mga materyales at labor nito.


Watch more balita here: 𝗛𝗜𝗚𝗛-𝗦𝗣𝗘𝗘𝗗 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗕𝗢𝗔𝗧𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Ikinatuwa naman ito ng kanilang pamunuan dahil sa wakas ay nakabitan na lahat ng bahagi ng Brgy. Sinippil kung saan hindi na mangangamba pa ang mga residente sa mga maaaring mangyaring krimen dahil sa madilim na mga kalsada.

Samantala, isang linggo lamang ang itinagal bago natapos ang nasabing proyekto.

 

Facebook Comments