Halos 35 million Pinoy, fully vaccinated na laban sa COVID-19

24

Umakyat na sa 79.6 milyong doses ng kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines ang naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, 45.32% ng target population ng gobyerno sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus.

Aniya, katumbas ito ng 34.9 million na mga Pilipino.


Nasa 1.07 million naman ang nabakunahan sa loob lamang ng isang araw hanggang nitong November 25.

Sa Metro Manila naman, 95.11% ng target population ang fully vaccinated na rin laban sa virus.

Katumbas ito ng higit 9.2 milyong na mga Pilipino habang mahigit 137,000 indibidwal na ang nakatanggap ng booster shot.



Facebook Comments