Patuloy na nakakaranas ng masamang lagay ng panahon ang Agusan del Sur at Surigao del Sur sa CARAGA Region.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 9,875 na pamilya o katumbas ng halos 35,000 indibidwal ang apektado mula sa 44 na barangay sa nabanggit na mga lalawigan.
Sa nasabing bilang, nasa 923 pamilya o 3,092 indibidwal ang nasa 37 evacuation center habang ang nasa mahigit 6,000 katao ay mas piniling makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag anak o mantili sa kani-kanilang tahanan.
Sa ngayon, nananatiling baha sa 24 na mga lugar sa Agusan del Sur at Surigao del Sur kung saan 6 na kalsada at 1 tulay ang nananatiling unpassable sa mga motorista.
Nakapagtala din ng 1 partially damaged na kabahayan habang 2 naman ang totally damaged partikular na sa Bunawan, Agusan del Sur.