Umabot na sa halos 350, 000 na estudyante sa Ilocos Region ang nakapagpatala para sa School year 2021-2022.
Sa tala ng Department of Education Region 1 noong ika-23 ng Agosto, mayroon ng 349, 962 na estudyante mula kindergarten hanggang senior high school ang naka enrol.
52, 742 dito ang sa kindergarten, 133, 347 sa elementarya, 93, 963 sa junior high at 69, 910 sa senior high.
Mababa umano ang bilang na ito kumpara noong nakaraang taon na mayroong 1. 3 milyon na estudyante ang nakaenrol
Dahil dito umaapela ang kagawaran sa mga magulang na ienroll ang kanilang mga anak kahit pa may nararanasang pandemya.
Ayon kay Darius Nieto ang project development officer ng DepEd Region 1, sa susunod na school year i-implimenta pa rin nito ang modular and blended learning.