Umabot na sa halos 37,000 barangay sa bansa ang tumalima sa direktiba ng pamahalaan na isapubliko ang listahan ng mga benepisyaryo ng emergency subsidy program.
Sa ikawalong weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso, sininabi niya na nasa 36,699 na barangay ang nakapaglabas ng listahan ng benepisyaryo para matiyak na umiiral ang transparency sa pamamahagi ng cash assistance.
Aaabot naman sa 1,370 mula sa 1,634 local government units (LGU) ang naabog ang May 10 deadlines na itinakda ng gobyerno para sa unang bahagi ng SAP distribution.
Nasa 23 million low-income families ang target na matulungan sa ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Nakasaad din sa report ng Pangulo na mula nitong May 14, aabot na sa 74 na probinsya, 134 na siyudad, 1,346 na munisipalidad, at 32,396 na barangay ang sumusunod sa ECQ guidelines.