Umabot na sa 90,259,621 na COVID-19 ang naituok na sa buong bansa.
Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, 68.02 percent o katumbas ng 52,473,282 ang nakatanggap ng first dose habang nasa 48.42 percent o 37,353,438 ang fully vaccinated na laban sa virus.
Aabot naman sa 432,901 ang naibigay ng booster doses.
Habang nasa 1,189,329 ang daily jabs o bilang ng nabakunahan sa loob ng isang araw noong Disyembre 2.
Nauna nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 54 million indibidwal bago matapos ang 2022; 77 million sa March 2022 at 90 million sa June 2022.
Facebook Comments