Posibleng umabot sa tatlo hanggang apat na milyong tao ang dadagsa sa Manila North Cemetery (MNC) ngayong Undas 2022.
Ito ay kasunod ng dalawang taong pagsasara ng naturang sementeryo dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa pamunuan ng MNC, sabik na ang publiko na mabisita ang kanilang namayapang mahal sa buhay sa mismong araw ng November 1 at 2.
Nakabantay na rin aniya ang mga pulis sa inspection area para tingnan ang mga vaccination card ng mga bibisita.
Ang Manila North Cemetery ang pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila.
Samantala, muli namang pinaalala ng pamunuan ang mga hindi pwedeng dalhin sa loob ng sementeryo tulad ng nakalalasing na inumin, flammable materials, baril, at matutulis na bagay gaya ng kutsilyo.
Ipinagbabawal din ang pagsusugal, pagtitinda ng pagkain, bulaklak, at kandila sa loob ng sementeryo, at hindi rin papayagan pumasok ang mga hindi pa bakunado at mga batang edad dose pababa.
Bubuksan ang sementeryo mula October 29 hanggang November 2.