
Nasa 38 na lugar sa Luzon ang binaha dahil sa pag-ulan na dulot ng Bagyong Bising at southwest monsoon o Habagat.
Sa ngayon, wala pang naitala ang Office of Civil Defense (OCD) na casualties o nawawala dahil sa masamang lagay ng panahon.
Patuloy namang mino-monitor ng OCD ang sitwasyon sa Pangasinan dahil sa posibleng pag-apaw ng Agno River at posibleng magdulot ng pagbaha sa mga karatig lugar.
Bagama’t lalabas din ngayong umaga ang Bagyong Bising na bumalik sa loob ng teritoryo ng bansa ay pag-iibayuhin pa rin nito ang Habagat na magdadala ng pag-ulan.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong Bising sa layong 405 kilometers north northwest ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 130 kilometers per hour at pagbugsong 180 kph.
Facebook Comments









