Halos 40 medalya, naiuwi ng Pilipinong mag-aaral

Nakapag-uwi ng 37 medalya ang mga estudyanteng Pilipino sa isinagawang math at English contest sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa ginanap na 13th Asian Finals of the World Math-Fusion Olympiad, nakakuha ang Pilipinas ng 23 awards kabilang ang apat na gold medals, anim na silvers, walong bronzes at limang excellence certificates.

Nagdomina rin ang Pilipinas at natatanging bansa na nanalo ng gold at silver medals sa level 3 category sakop ang grades 7, 8 at 9.


Humakot naman ng anim na gold medals, walong silver at limang bronze medals o kabuoang 19 medals ang mga batang Pilipino sa 10th Global Finals sa Speak International Competition.

Ang contest ay nakatuon sa listening, reading at composition writing.

Facebook Comments