Halos 40 opisyal at empleyado ng PhilHealth, kinasuhan na

Sinampahan na ng reklamong administratibo ng PhilHealth ang 38 mid-manager at tauhan ng ahensya.

Kaugnay ito sa pagkakasangkot ng mga ito sa ghost claims ng mga dialysis patient kahit patay na.

Ayon kay Dr. Roy Ferrer, presidente ng PhilHealth – nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagsusulong ng kaukulang reklamo laban sa mga dialysis center na sangkot sa anomalya.


Kasama rin sa mga sasampahan ng kaso ay ang mga doctor na lilitaw na responsable at sangkot sa nasabing anomalya.

Facebook Comments