Cauayan City, Isabela- Sa kabila ng mga naitatalang panibagong kaso ng COVID-19, nakapagtala naman ng mataas na recovered cases ang probinsya ng Isabela ngayong araw, April 11, 2021.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2, nasa 394 ang naitalang bagong gumaling mula sa sakit ngayong araw samantalang 159 ang bagong dinapuan ng sakit.
Kaugnay nito, umaabot na sa 9,075 ang total commulative ng COVID-19 sa Isabela na kung saan 7,407 rito ang nakarekober.
Mayroon naming kabuuang bilang na 189 na namatay sa COVID-19.
Nangunguna naman ang Lungsod ng Santiago sa may pinakamaraming naitalang bagong kaso na umaabot sa 27; sinusundan ng bayan ng Angadanan na may 24 habang 15 sa Cauayan City at nasa 13 lamang sa City of Ilagan na siyang nangunguna naman kahapon sa bilang na 41.
Sa kasalukuyan, bumaba sa 1,478 ang bilang ng aktibong kaso sa Probinsya na kinabibilangan ng mga nasa hanay ng Health workers (166); PNP (43); Locally Stranded Individuals (LSIs) na pito at pinakamarami ang Local Transmission na 1,498.