Halos 400 examinees, hindi nagpatuloy sa Bar Exam

Nasa 391 Bar examinees ang hindi nagpatuloy at nag-back out sa nasabing nakatakdang tatlong araw na pagsusulit na sinimulan noong linggo.

Ito ang kinumpirma ng Supreme Court Public Information Office at ng tanggapan ni 2023 Bar Chairperson at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Ayon kay Hernando, mula aniya sa kabuuang 10,791 Bar applicants ay 10,400 na lamang ang sumipot at kumuha ng exam noong linggo, na katumbas ng 96.38% turnout.


Samantala itutuloy naman ang ikalawang Bar Exam, bukas, September 20 habang ang pangatlo o pinakahuling araw ng Bar Exam ay sa September 24.

Facebook Comments