HALOS 400 KILO NG MGA BASURA, NAKOLEKTA SA LINGAYEN BEACH

Umabot sa halos apat na raang kilo ng basura ang nakolekta ng Philippine Coast Guard (PCG) Pangasinan sa kanilang isinagawang Lingayen Gulf Coastal Clean-Up sa Lingayen Beach, Lingayen, Pangasinan.

Kabuuang 390 kilos ng mga basura at marine debris ang nalinis ng mga ito sa kahabaan ng naturang baybayin.

Bahagi ang aktibidad sa selebrasyon ng naganap na Pista’y Dayat 2025 nitong May 1, na katuwang ang ilang pang mga lokal na pamahalaan, volunteers at iba pang ahensya.

Layon nitong ma-protektahan ang kalikasan at mapanatili ang kagandahan ng Lingayen Beach na isa sa araw-araw na dinadagsa ng mga turista.

Samantala, patuloy na dinadagsa ng beachgoers ang lugar upang iselebra ang taunang Pista’y Dayat sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments