Halos 400 lugar sa apat na Rehiyon, lumubog sa baha dahil sa habagat ayon sa NDRRMC

Umabot sa kabuuang 371  lugar  sa Regions 3,Calabarzon, Region 5 at National Capital Regions ang  lumubog sa tubig baha sa patuloy na buhos ng ulan.

 

 

Sa kabuuang bilang, isang daan at dalawamput anim dito ay humupa na.

 

 

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa 28 Lungsod at Munisipalidad na binaha , 18 dito ay mula sa Regions 3 , isa sa Calabarzon ,1 sa Region 5, at 8 sa NCR.


 

 

Abot naman sa  42 ang bilang ng mga  pasahero ang stranded sa Pasacao Port, Camarines Sur, sa Region 5 as of 4 am kaninang madaling araw.

 

 

Sa panig naman ng DSWD Region 1 at iba pang LGU’s, nanatiling nakamonitor pa rin  ang mga ito sa posibleng epekto ng masamang panahon na pinalakas pa  ng habagat.

 

 

Hindi rin umano dapat mabahala ang publiko dahil may nakahanda pang Quick Response Fund na P2.37 Million at 14,258 stockpiled relief goods na nasa strategic locations na nagkakahalaga ng P5.1 Million.

 

 

Maging ang PNP Calabarzon,PDRRMO Cavite,Laguna,Batangas, Rizal, at Quezon ay nanatili pa ring nakaalerto habang nararanasan pa ang masamang panahon.

Facebook Comments