Halos 400 lugar sa bansa, lubog sa baha dahil sa Bagyong Hanna at Habagat

Nananatili ang lakas ng Tropical Storm Hanna habang tinatahak nito ang direksyong patungong China.

Huling namataan ang bagyo sa layong 945 Kilometers silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 Kilometers Per Hour at pagbugsong aabot sa 80 kph.


Kumikilos ito West-Northwest sa bilis na 15 kph.

Dahil hinahatak pa rin nito ang hanging habagat, asahan ang paminsan-minsang malalakas na ulan sa hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Islands), at Mindoro.

Asahan naman ang Thunderstorms sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region at natitirang bahagi ng Mimaropa, at Visayas.

Pinag-iingat din ang mga apektadong sa posibleng flashflood at landslides.

Pinapayuhan din ng pagasa ang mga may maliliit na sasakyang pandagat at mga mangingisda na iwasan munang maglayag sa kanlurang baybayin ng Northern at Central Luzon, at sa baybayin ng Southern Luzon at Visayas.

Facebook Comments