Dumami pa ang bilang ng mga lugar sa Pilipinas na bigong makalahok sa ikalawang bahagi ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ program dahil sa Bagyong Odette.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje, 388 o 2.6% ng kabuuang 1,634 lugar na venue ng bakunahan ang apektado ng bagyo.
Pinag-aaralan namang isama ang mga ito sa December 20 hanggang 22 o yung petsang itinakda para sa mga hindi nakasama sa second round ng national vaccination.
Kahapon, nasa 953,624 indibidwal ang nabakunahan sa bansa.
Nangunguna ang Calabarzon na nakapagturok ng bakuna na nasa 187,000 doses, sinundan ng Central Luzon na may 168,000 doses at Ilocos na may 66,000 doses na naiturok.
Facebook Comments