Halos 400 Pinoy repatriates mula Oman, dumating sa bansa

Pasado alas-3:00 kaninang madaling araw, lumapag sa Davao International Airport ang 387 na Filipino repatriates mula Oman.

Kabilang dito ang 6 na sanggol at 381 adults na sakay ng Cebu Pacific flight 5J 29.

Patuloy naman ang pagtanggap ng Philippine Embassy sa Muscat ng mga Pinoy na nagpapatala para sa mga susunod na repatriation flights ng pamahalaan.


Sa harap ito ng pagpapalawig sa travel ban ng Pilipinas sa sampung mga bansa na may mataas na kaso ng Delta variant ng COVID-19 kasama na ang Oman.

Facebook Comments