Halos 400 rebeldeng NPA, sumuko sa Surigao del Norte

Aabot sa halos 400 taga-suporta ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa 30th Infantry Battalion mula sa iba’t-ibang bayan ng Surigao del Norte.

Kabilang sa mga sumuko ay 37 mula sa Sangay sa Partido Lokal (SPL) o local party members, 46 Militia ng Bayan (MB), 146 Underground Mass Organization (UGMO) members at 167 mass supporters.

Ang mass surrender ay nangyari sa bayan ng Malimono at Sta. Cruz, Placer.


Ang 244 NPA supporters ay sumailalim sa deradicalization seminar bago nanumpa sa harap ng municipal hall ng Malimono, kasama si Mayor Wallacev Senaca.

Ang nasa 152 NPA supporters naman ay mula sa Surigao City at Tagana-An, San Francisco at Sison.

Nasa 11 assorted firearms din ang isinuko sa seremonya.

Facebook Comments