Halos 400 tauhan ng PSPG, ni-recall ng PNP noong Hulyo

Nasa 373 police personnel mula sa Police Security and Protection Group (PSPG) ang ni-recall ng Philippine National Police (PNP) mula sa government at private sector noong July 2024.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa nasabing bilang, 225 na mga pulis ang idineploy sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kasama ang 75 personnel na dating nakatalagang security detail ni Vice President Sara Duterte.

Gamit naman ang datos ng PNP-PSPG, sinabi ni Marbil ang 373 police personnel na iba’t iba ang ranggo ay may combined monthly salary na ₱12.5 million.


Sa ngayon, naka-assign ang mga pulis sa local communities para mas magamit sa kaligtasan ng publiko.

Inilabas ng PNP ang datos bilang tugon sa spekukasyon ni Vice President Duterte na na-singled out sya sa recall process kung saan sya lang ang inalisan ng mga police security.

Samantala, lumalabas din sa datos na mayroon pang 277 excess officers mula sa national headquarters kung saan 43 ang bagong promote na lieutenants at 103 na bagong appoint na police commissioned officers ang na-reassigned sa NCRPO kaya aabot sa 647 ang lahat ng mga pulis na nalipat sa NCRPO.

Facebook Comments