Halos 400-thousand pesos na halaga ng shabu, nakumpiska ng kapulisan sa Cagayan de Oro

Cagayan de Oro – Halos 400-thousand pesos na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Cagayan de Oro City Drug Enforcement Unit o CDEU.

Ito ang kinumpirma ng imbestigador ng CDEU na si SPO3 Jigger Rojo.

Ayon kay Rojo na isinagawa ang drug buy bust operation sa CitiHomes, Malanang, Opol, Misamis Oriental kahapon.


Naaresto ang suspek na si Jalal Akhmad, 32 anyos, may asawa, taga-Sabala Manao, Marawi City na nakunan rin ng tatlong libong piso na buy bust money.

Sasampahan si Akhmad ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments