Halos 4,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala

72

3,999 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, ang total COVID-19 cases sa bansa ay umaabot na sa 209,544.

Sa naturang bilang, 71,745 ang active cases.

510 naman ang naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 134,474.

91 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 3,325.

91.2% naman ang mild cases.

Samantala, apat na araw nang walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipinong namatay sa abroad dahil sa COVID-19.




Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 755.

Habang may 21 ang bagong COVID-19 cases na naitala sa mga Pinoy sa Asia and the Pacific at Middle East.

Dahil dito, ang total cases ngayon ay nasa 10,062 at ang active cases ay 3,212.

15 naman ang bagong recoveries kaya ang total recoveries ngayon ay nasa 6,095.

Facebook Comments