Umabot na sa 3,947 healthcare workers sa Maynila ang nabakunahan kontra COVID-19.
Kabilang sa mga nabakunahan ay mula sa 6 na district hospitals sa lungsod kung saan ang itinurok sa kanila ay Sinovac at AstraZeneca.
Pero sa AstraZeneca vaccines, ginawang prayoridad ang mga 60 taong gulang pataas na health workers.
Ang bakuna kasi na Sinovac ay pwede lamang sa mga nasa edad 18 hanggang 59 anyos habang ang bakuna ng AstraZeneca ay pwede naman sa mga nasa edad 18 pataas.
Samantala, umabot na rin sa 101,658 na mga residente ng Maynila ang nagparehistro para sa bakuna sakaling maging available na rin ito sa iba pang miyembro ng populasyon.
Sa ngayon kasi ay inuuna munang tapusin ng gobyerno ang pagbabakuna sa health workers.
Facebook Comments