Halos 4,000 healthcare workers, tinamaan ng COVID-19

Umaabot na sa 3,938 healthcare workers ang dinapuan ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 3,191 health workers ang gumaling na sa sakit at nasa 35 ang namatay.

Ang nurses ang medical profession na may mataas na COVID-19 cases na nasa 1,391, kasunod ang mga doctor na may 960 cases, nursing assistants na may 273 cases.


Mayroong 164 cases sa medical technologists, at 100 cases sa radiologic technologists.

Higit 200 non-medical staff ang kasama sa tally.

Facebook Comments