
Aabot sa 3,929 na mga pasahero, cargo helpers at truck drivers ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na stranded sa 55 pantalan sa bansa.
Bukod sa mga pasahero, nasa 1,268 rolling cargoes, 48 vessels at 30 motorbanca ang hindi pinapabiyahe bunsod ng masamang lagay ng panahon.
Nasa 96 vessels at 40 motorbanca ang pamsamantalang nakisilong at nakidaong sa ibang pantalan upang maging ligtas sa epekto ng bagyo.
Sa datos pa ng PCG, ang mga naitalang stranded ay mga pantalan sa southern tagalog region, Northeastern Mindanao, Northern Mindanao, Southern Visayas, Central Visayas at Bicol region.
Patuloy na naka-monitor ang PCG sa sitwasyon habang pinapaalalahanan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga shipping lines para malaman kung may kanselasyon ng mga biyahe para maging ligtas sa epekto ng Bagyong Wilma.









