Halos 4,000 inmates, nabigyan ng skills training ng TESDA

Manila, Philippines – Umaabot na sa 3,366 inmates sa buong bansa at kanilang mga kaanak ang nabigyan ng skills training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga inmates na magkaroon ng sapat na kasayanan na kanilang magagamit sa oras ng kanilang paglaya.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong, matatandaan noong Disyembre a-13 ng nakalipas na taon nang lumagda sa Memorandum of Agreement ang TESDA at ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mabigyan ng skills training ang mga bilanggo sa buong bansa.


Base sa datos ng TESDA, sa nasabing bilang ang Region 4A o Calabarzon ang may pinakamataas na bilang na inmates na kumuha ng skills training na umabot sa 582.

Ayon pa sa monitoring report nitong Hulyo ng kasalukuyang taon, ang Region 1 ay may 271 inmates ang nabigyan ng skills training; Region 2-245; Region 3-250; Region 4B-322; Region 5-201; Region 6-75; Region 7-180; Region 8-122; Region 9-358; Region 10-60; Region 11-141; Region 12-213; CARAGA Region-8; CAR-27; National Capital Region-311.

Facebook Comments