Dalawang lalaki mula Metro Manila ang nahuli matapos masabat ang kanilang truck na may kargang 3,727 kilo ng assorted processed meat na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱482,185, sa Tagudin, Ilocos Sur kahapon.
Ayon sa Tagudin Animal Quarantine personnel, sinabat ang isang van sakay ng dalawang lalaki kung saan natuklasan na ang mga kargamento ay hindi umano dumaan sa tamang inspeksyon.
Dahil dito, nahaharap ngayon ang dalawa sa paglabag sa Provincial Ordinance No. 15-06 Series of 2015, partikular sa Section 4 (j), na nag-aatas sa lahat ng nagdadala ng produktong hayop na magpa-inspeksyon bago dumaan sa lalawigan.
Ang mga suspek, kasama ang truck at lahat ng kargamento, ay nasa kustodiya ngayon ng Tagudin Animal Quarantine para sa wastong disposisyon.
Facebook Comments






