
Pagpapaliwanagin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang halos 4,000 franchise holders ng mga pampasaherong sasakyan na may ruta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue Quezon City.
Ito’y matapos na madiskubre na inactive o hindi sila nag-o-operate ng mga sasakyan.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, pag-aaralan ng tanggapan ang status ng operasyon ng 3,972 public utility vehicles (PUVs),
Ani Guadiz, layon ng hakbang na matiyak na mapapangalagaan ang kapakanan ng publiko lalo na ng mga commuters.
Isa ang Commonwealth Avenue sa mga major route sa QC na daanan ng mga motoristang pupunta at magtutungo sa Fairview, Marikina, Rizal , Maynila at iba pang karatig lungsod sa Metro Manila.
Facebook Comments









