Halos 4,000 pasahero, stranded pa rin sa mga pantalan ngayong araw dahil sa Bagyong Egay

Nasa halos 4,000 na indibidwal na ang stranded ngayong araw sa mga pantalan dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Egay.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong tanghali, umaabot na sa 3,738 na pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan.

Habang 52 vessels, 769 rolling cargoes, at 27 motorbancas ang stranded na sasakyang pandagat sa buong bansa.


Nasa 67 vessels at 66 motorbancas din ang kasalukuyang nakadaong sa mga pantalan sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog, at NCR-Central Luzon.

Kaugnay nito, tuloy naman ang pagbabantay ng PCG sa mga sitwasyon sa pantalan sa buong bansa gayundin ang pag-rescue sa mga naaapektuhan ng Bagyong Egay.

Facebook Comments