Halos 4,000 residente ng Brgy. Batasan Hills Quezon City, binigyan ng family food pack ng mga sundalo

Nakatanggap ng family food pack ang 3,766 na pamilya sa Sitio Taniman, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Ipinamigay ito ng mga tauhan ng Philippine Army sa mga pamilyang lubhang apektado ng umiiral ng Enhanced Community Quarantine dahil sa nakamamatay na COVID-19.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang mga ipinamigay na family food pack ay donated ng Asian Development Bank (ADB) na nagbigay ng umaabot sa P250 milyong pisong halaga ng mga food packs.


Bawat pamilya ay nakatanggap ng 10 kilong bigas, 35 assorted canned goods at 20 sachets ng gatas at kape.

Sa ngayon 15,716 family food packs na ang naipamahagi ng Philippine Army sa ilang Brgy. sa Malabon, Taguig at Quezon City.

Target ng Philippine Army na mabigyan ng food packs ang 140,000 families na lubhang apektado ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments