Target ng Pasay Local Government Unit (LGU) sa mga Residente, pabakunahan na kontra sa Polio, rubella at tigdas ang mga bata sa siyudad.
Matatandaan kahapon naging matagumpay ang Department of Health (DOH) Supplemental Immunization Activity Kick-Off, sa Brgy 183 Villamor, Pasay City kung saan nasa 40 na mga bata ang nabakunahan sa Chikiting Ligtas ng DOH.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, mahal ang bakuna sa pribadong clinic kaya’t maswerte sila sa Pasay dahil libre ang nasabing bakuna.
Dagdag pa niya, malaki rin ang maitutulong ng bakuna para maging kampante ang mga magulang laban sa mga sakit.
Samantala, aabot sa 37,000 ang target bakunahan sa Chikiting Ligtas sa siyudad o 30,752 sa unang dalawang linggo habang 7,689 sa natitirang 2 linggo.