Halos 400,000 indibidwal, apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine

Aabot na sa mahighit 77,000 pamilya o katumbas ng mahigit 382,000 indibidwal ang apektado ng paghagupit ng Bagyong Kristine.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 3,000 pamilya o 12,000 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa 306 na mga evacuation centers.

Habang ang nasa halos 400 indibidwal ay piniling makituloy pansamantala sa kanilang kaanak o manatili sa kanilang tahanan.


Nagmula ang mga apektado sa mga rehiyon ng Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Ayon pa sa NDRRMC, isa ang naitalang nasaktan habang tatlo ang inulat na nawawala.

Facebook Comments