Halos 400,000 Pinoy, natulungan ng Angat Buhay Program

Umabot sa halos 400,000 Pilipino ang natulungan ng Angat Buhay Program ni Vice President Leni Robredo.

Sa report mula sa Office of the Vice President (OVP), nasa 374,188 na Pilipino mula sa iba’t-ibang komunidad ang naging benepisyaryo ng anti-poverty program.

Sakop ng programa ang 176 na lugar sa buong bansa sa pamamagitan ng 300 million pesos na halaga ng tulong sa mga benepisyaryo nitong 2018.


Nakipag-partner ang OVP sa higit 250 private organizations para magbigay ng tulong at serbisyo sa mga nangangailangan ng pabahay, kabuhayan, pagkain at serbisyong medikal.

Nagbibigay din ang Angat Buhay ng training seminars para sa mga magsasaka at financial literacy program para sa mga may-ari ng sari-sari store.

Nakapagpatayo na rin ang programa ng mga classroom at health care centers.

Nakapagsagawa na rin ng feeding programs at financial training sa mga kababaihan.

Nagbibigay din ng capital funds para sa mga local farmers at livelihood projects para sa agri-entrepreneurs.

Ang Angat Buhay Program ay tumutulong sa conditional cash transfer program ng gobyerno.

Facebook Comments