HALOS 400,000 RESIDENTE NG LA UNION MAARING MAAPEKTUHAN SA BANTA NG TSUNAMI

Tinukoy ng La Union Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na maaaring umabot sa 397,572 residente mula sa lalawigan ang inaasahang lubhang apektado sa banta ng tsunami sakaling makaranas ng Magnitude 8 na lindol dahil sa paggalaw ng Manila Trench.

Ang datos ay ibinahagi ng tanggapan bilang paghahanda matapos ang magkakasunod ng offshore earthquakes na naitala sa Manila Trench noong Disyembre 2024.

Dahil dito, tiniyak ng tanggapan na 97 evacuation centers ang nakahanda sakaling mangyari ang kalamidad upang ma-ilikas ang mga residente.

Kabilang dito ang mga evacuation centers sa mga bayan ng Caba, Aringay, Agoo, Santo Tomas, Rosario,Bangar, Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, San Fernando City, Bauang at Sudipen.

Siniguro ng Pamahalaang Panlalawigan ang proactive disaster management at pagkakaroon ng early warning systems upang maging maagap sa mga paparating na kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments