Naitala ng Department of Health- Center for Health Development 1 ang nasa halos apatnaraang libong mga bata mula sa apat na probinsya sa rehiyon uno ang nabakunahan sa isinagawang mas pinaigting na pagbabakuna laban sa mga sakit na measles-rubella.
Sa datos ng ahensya, kabuuang 378,396 na bata ang nabakunahan laban sa tigdas-rubella sa rehiyon noong Hunyo 16 kung saan umabot ito sa 91 porsiyento ng target na populasyon na kailangang mabakunahan.
Sa datos pa rin ng DOH-CHDI, nakapagbakuna ang lalawigan ng Pangasinan ng nasa 232,580 bata, sinundan ito ng Ilocos Sur na may 47,554, La Union na may 44,120, Ilocos Norte na may 39,291 at Dagupan City na may 14,851.
Samantala, nasa 162,687 na bata sa Ilocos Region ang nakatanggap ng oral polio vaccine noong Hunyo 16 o katumbas ito ng nasa 85 porsiyento ng target na populasyon.
Sa isang forum, sinabi ni DOH-1 medical officer Dr. Rheuel Bobis na magpapatuloy ang routine immunization laban sa tigdas-rubella at polio sa gitna ng pagtatapos ng kampanyang tinatawag na Chikiting Ligtas 2023 kung saan pakiusap nito na sana ay patuloy na subaybayan ng mga magulang at tiyakin na ang kanilang mga anak ay makakakuha ng bakuna para sa mga sakit na maiiwasan sa bakuna.
Laking pasasalamat naman ni DOH-1 director Paula Paz. Sydiongco ang mga implementing units, vaccination teams, at partners na maabot ang lahat ng mga sanggol at bata para isara ang immunization gap, maiwasan ang measles outbreak at muling sirkulasyon ng poliovirus sa bansa.
Matatandaan na ang Measles Rubella at bivalent Oral Poliovirus Vaccine Supplementary Immunization Activities (MR-bOPV SIA) o “Chikiting Ligtas 2023” ay pinangunahan ng Department of Health at nagsimula noong Mayo 1 hanggang 31 ngunit ito ay pinalawig hanggang Hunyo 15.
Layunin nitong makahabol sa nakagawiang pagbabakuna para sa mga batang 0-59 na buwang gulang na nahirapan dahil sa pandemya.

Facebook Comments