Tinatayang nasa 400K na tourist arrivals ang naitala ng Hundred Islands National Park (HINP) sa lungsod ng Alaminos simula noong Enero 1 ang hanggang sa huling araw ng Disyembre taong 2022.
Sa isang panayam, sinabi ni City Tourism Officer Miguel Sison na ang kabuuang bilang ng mga dumagsa sa pasyalan ay nasa kabuuang 389,006 na turista kung saan 267,567 dito ang domestic tourists, 118,459 ang local tourists, at ang iba naman ay foreign tourists.
Aniya, tumaas ang bilang ng mga turista ay dahil sa pagluluwag ng mga restrictions noong 2022 ng awtoridad.
Dagdag pa ng opisyal na nasa humigit-kumulang PHP33.3 milyon ang kitang nabuo ng HINP noong 2022, kung saan na overshoot o nalagpasan umano ang kanilang target na PHP25 milyon noong nakaraang taon 2021.
Matatandaang nakapagtala ang lungsod ng tourist arrivals noong 2021 ng nasa 520, 000.
Samantala, bubuksan sa publiko ang ilang karagdagang lugar sa HINP na tinatawag na Ramos Island sa unang quarter ng taong ito partikular na sa panahon ng Semana Santa.
Sinabi ni Sison na ang isla ay magiging isang retreat area at may function hall na kayang tumanggap ng hindi bababa sa 100 katao.
Mayroong 14 na isla na bukas para sa mga turista at ang Ramos Island ay magiging karagdagan sa mga atraksyon sa national park. | ifmnews
Facebook Comments