Sa bisa ng Administrative Order ng Pangulong Marcos Jr. na bigyan ng subsidiyang bigas a ang mga kawani ng gobyerno sa lalawigan ng Pangasinan ay pumalo na sa halos P40, 000 na mga empleyado ang napamahagian.
Sa lalawigan ng Pangasinan ay mayroong mahigit P47, 000 na mga empleyado ang dapat mabigyan ng bigas ngunit nasa 39,638 o 84.16% pa lamang na mga manggagawa ang nabahagian kung saan ayon kay National Food Authority (NFA) Eastern Pangasinan Information Officer Kevin Hilario ay mayroon pang natitirang 7,458 na government employees ang hindi pa nakakatanggap.
Aniya, ang deadline ng pagtanggap sana nito ay noong June 30, 2023 pa ngunit humingi aniya ang ahensya ng extension hanggang July 31, 2023.
Dagdag pa nito na hihingi pa rin ng extension ang NFA-Eastern Pangasinan para maipaubos at maipamahagi ang bigas na dapat na makuha na mga manggagawa.
Karamihan sa mga benepisyaryo nito sa lalawigan ay mga kawani ng Department of Education, state colleges at universities, national government agencies, at military o uniformed personnel, at marami pang iba pa.
Samantala, mayroon pang natitirang 15, 000 na kaban ng NFA Rice ngunit nakalaan ang mga ito sa mga lugar na lubhang nangangailangan gaya na lamang ng Dagupan City na nagdeklara na ng pagiging State of Calamity ay paniguradong magpoprocure ng bigas para sa mga residente nito.
Dagdag pa ni Hilario, PHP25 kada kilo ang selling price ng NFA rice at PHP19 per kilo ang procurement price ng palay mula sa mga magsasaka.
Samantala, isa sa ibinibigay ng mga LGU sa mga residenteng nangangailangan ng tulong ay ang bigas. |ifmnews
Facebook Comments