Halos 480,000 na mahihirap na pamilya, nakatanggap na ng cash aid sa ilalim ng Bayanihan 2 – DSWD

Umabot na halos 480,000 na mahihirap na pamilya ang nakatanggap na ng ayuda sa Emergency Subsidy Program sa ilalim ng Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakapagsilbi na sila sa 476,736 na family-beneficiaries.

Nagkakahalaga na sa ₱2.98 billion ang na-disbursed na cash subsidies.


Mayorya ng mga benepisyaryo ay mga “additional beneficiaries” o ang mga hindi nakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) cash aid.

Pagtitiyak ng DSWD na kukumpletuhin ang distribusyon ng Bayanihan 2 cash aid sa loob ng buwan na ito.

Facebook Comments