
Umaabot na sa 12,761 na pamilya o katumbas ng halos 49,000 mga indibidwal ang apekto nang patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektado ay mula sa 28 barangay sa Western at Central Visayas.
Sa nasabing bilang 2,610 pamilya o 8,332 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 22 evacuation centers.
Samantala, mahigit ₱262-M halaga ng ayuda ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente magmula noong unang pumutok ang Kanlaon noong December 2024.
Nasa 57 syudad at munisipalidad pa rin mula Western at Central Visayas ang nasa ilalim ng State of Calamity.
Sa ngayon, nananatili sa alert level 3 ang Bulkang Kanlaon kung saan posibleng magkaroon ng hazardous eruption sa mga susunod na araw o linggo.