HALOS 4K BENEPISYARYO, TUMANGGAP NG BIGAS

CAUAYAN CITY- Naipasakamay na sa mga benepisyaryo ang buwanang bigas sa bayan ng Sta. Maria, San Guillermo, at Jones.

May kabuuang 3,833 indibidwal ang tumanggap ng nasabing ayuda na kinabibilangan ng barangay frontliners, mga may kapansanan, mga mangingisda, mga miyembro ng TODA at mga kutsero.

Patuloy naman ang pamamahagi ng bigas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa iba’t-ibang sektor sa Probinsya.


Samantala, ang programang ito ay programa nina Governor Rodito T. Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III.

Facebook Comments