Manila, Philippines – Bilang tugon sa hiling ng Dept. of National Defense ay igniit ni Senator Panfilo Lacson ang paglalaan ng 4.78 billion pesos para sa karagdagang Infantry Division ng Philippine Army sa Mindanao.
Ang nabanggit na pondo ay isinulong ni Lacson sa kanyang pagdalo sa bicameral conference committee meeting para sa 2019 national budget.
Ayon kay Lacson, bahagi ito ng mga hakbang ng sandatahang lakas kontra sa lumalalang terorismo lalo na sa parteng Mindanao.
Ang 11th Infantry “Alakdan” Division aniya ay ayuda sa Mindanao partikular sa Basilan, Sulu, Tawi-tawi (BaSulTa) kung saan naitatala ang matitinding karahasan.
Isa sa pinakahuling insidente ng karahasan sa rehiyon ay ang pagsabog sa simbahan sa Jolo, Sulu kung saan maram ang namatay at malubhang nasugatan.